Saturday, August 3, 2013

Pa Pe Fi Po Pu

     Habang sinusulat ko tong ginagawa kong kalokohan, eh may panukala ang Komisyon sa Wikang Filipino na gawing Filipinas ang nakasanayan nating Pilipinas. Ang planong ito eh makapagbibigay daw ng mas malalim na pansin sa Kasaysayan ng Pili…Filipinas. Dahil sa yun ang layunin ng pagbabago ng letra, sana bigyan din ng pansin ang history ng pangalan na “Filipinas.”

     Nung nasa elementarya ako, bukod sa larong 1+1 Magellan, eh nakilala ko rin si Magellan bilang unang nakadiskubre sa Perlas ng Silangan. Siya ay pinatay ni Lapu-Lapu, at sabi naman ng mga batang litong lito kapag tinatanong kung sinong pumatay kay Lapu-Lapu, isasagot eh si Magellan. At ang pangalan daw ng bansa natin ay isinunod sa pangalan ng Hari ng Espanya na si Felipe II. Tapos nun eh hindi na nasundan yung nalalaman ko kung pano naging Pilipinas. Pero pwede naman nakalimutan ko lang. Medyo marami naman ako natutunan nung nag-aaral ako. Limot ko na nga lang.

     Pagtapos ibalita tong panukala na to, dumami rin ang mga nagcomment na mga epal. Mga alam-alaman na naman. Sinasabi, ayusin daw muna ang traffic, uunlad daw ba ang Pilipinas sa ginagawang yan, gastos lang daw yan at sasayangin lang ang tax diyan, marami pa daw problema ang bansa na mas dapat unahin. Tama naman. May punto naman kahit papaano ang mga matatalino kong kababayan na kulang na lang eh palitan nila ang administrasyon at sila na lang ang dapat na masunod. Pero kung ako ang tatanungin, mas gusto ko naman problemahin yung ganitong usapin kesa problemahin kung may AIDS nga si Bb. Gandanghari. Mas gusto kong pagurin ang utak ko dito kesa isipin kung sinong mga bakla sa showbiz ang ayaw umamin. Bakit ba nung lumabas ang mga jejemon may pakialam tayo? Gusto natin na mawala yung ganung paraan ng pagsusulat. Kasi alam natin na mali yun. Ngayon namang tinuturuan tayo ng tama, wala na tayong gana pag-usapan.

     Naglabasan din naman ang mga may pakialam sa ganitong usapin. Kahit papaano eh nalaman natin na meron palang Komisyon ng Wikang Filipino. Kasi ako di ko pa sila makikilala kung di dahil sa ginawa nila. Maganda naman ang layunin nila. Pero kung talagang kasaysayan ang layunin nila, sana mabigyan din nila ng pansin ang kalidad ng pagtuturo ng Kasaysayan sa mga kabataan.

     Alam ko na! Pag-usapan na lang natin si John Lloyd Cruz. Baka sakaling may pakialam ka.

Bata bata, paano ka gumawa?

     Masarap maging bata. Walang pinoproblema. Lahat eh pwede mong i-asa sa mga magulang mo. Magngangawa ka lang eh pwede ka na nilang pagbigyan sa gusto mo. Ganyan ang bata. Nagkakaproblema lang kapag di mo binigay ang gusto. Masarap maging bata lalo na kung pag-aaral lang ang problema mo. Matinding problema na siguro kung pilitin silang manguna sa klase. Pero malamang eh wala ka ng problemahin kung hindi yan lang pag-aaral mo.

     Masarap maging bata at palakasin ang katawan sa pamamagitan ng pakikipaglaro. Pero kung ang mga kalaro mo ay nasa kani-kanilang eskwelahan, kumuha ka lang ng laruan sa baul e siguradong may instant kalaro ka na. Sige lang, kausapin mo lang ang mga laruan. Alam naming kung gano kalawak ang imahinasyon mo. Na ang simpleng bote ng softdrinks ay nagagawa mong kalaban ng action figure mong si Spiderman.

     Masarap maging bata. Wala kang pakialam sa kinakain mo. Wala kang pakialam kung mananaba ka. Hindi ka pipigilan kumain ng mga pagkaing mayaman sa cholesterol dahil hindi ka pa prone sa mga sakit na nakukuha ng matatanda.

     Masarap maging bata. Pag natulog ka sa sofa, pag-gising mo nasa malambot na kama ka na. Binuhat ka na pala ng tatay mo papasok sa kwarto mo.

     Masarap maging bata kung ikaw ay nakakapag-aral. Pero dahil sa hirap ng buhay, kasama ka ng iyong magulang sa pagtatrabaho. Sa murang edad mo nabubugbog na ang katawan mong sana eh nakaupo sa armchair. Napupwersa ang mga kamay mong sana ay nakapatong lang sa desk at pinansusulat. Ang resulta eh bato-batong katawan, imbis na matabang utak.

     Masarap maging bata kung ikaw ay nakakapag-laro. Pero dahil sa hirap ng buhay, imbis na ikaw ay makipaglaro sa mga bata, bakit parang kay kamatayan ka pa nakipag-laro? Kaunting pagkakamaling magawa mo sa delikado mong trabaho, malamang na paglamayan ka ng mga batang…hindi mo kalaro, pero katrabaho mo.

     Masarap maging bata kung ikaw ay may kinakain. Pero dahil sa hirap ng buhay, tatlong klaseng ulam lang ang alam mong kainin. Kung hindi ka pa maghahanap-buhay, siguradong papalipasin lang ang gutom nila, kasabay ng paglipas ng dilim.

     Masarap maging bata kung ikaw ay may malambot na higaan. Pero dahil sa hirap ng buhay, eh hindi nararamdaman ng mga kabataang uuwi ng pagod at masakit ang katawan pagkagaling sa trabaho.

     Ang isa lang sa hindi ko maintindihan ay ang pagpapatigil ng kung sino man sa paghahanap-buhay ng mga bata. Kailangan ba silang patigilin? Kung alam naman natin na yung mga kabataang yun lang ang makakatulong sa kanilang pamilya. Kung hindi nila pagtatrabahuhin ang mga batang yun, pag-aaralin ba nila yun? Tutulungan ba nila ang mga magulang nung bata? Susuplayan ba nila araw-araw ng pagkain? ‘Pag pinatigil nila pagtatrabaho yung bata, anong sunod na hakbang? Wala na ulit pakialam? Bakit kasi hindi yung mismong “cause” ang binibigyan ng solusyon.

Sunday, July 7, 2013

Signos

     Andaming sasakyan. Ang kapal ng usok at ng alikabok. Wag sana magtraffic at ayoko ma-stuck up dito sa lugar na to. Pinalitan na ata ng mga usok ang oxygen na nandito. Ang hirap huminga! Habang tumatagal eh nababawasan na rin ang mga puno at halaman na nakatanim dito. Yung puno kahapon, convenience store na ngayon. Yung halaman kahapon, food chain na ngayon. Sa pagtagal siguro ng panahon, lumot na lang ang source ng oxygen dito.
      Waaaa! Traffic! Gano katagal na naman ako mahihinto dito. Bakit na naman traffic?!
         “Inaayos yung daan.”
         Sabi ng driver. Ha?! Inaayos? Hindi naman sira yun ah. Ah teka. Malapit na nga pala ang eleksyon, kaya nagpapapansin na naman ang mga tagapaglingkod ng bayan. Bakit kaya yung ayos na daan ang inaayos pa? Para kitang kita ng mga tao na may ginawa sila? Eh kung yung mga simento na ginamit nila eh pinanggagawa na lang nila ng classrooms? Madaming paaralan sa mga probinsya ang kulang na kulang sa classrooms. Halimbawa na lang eh ang mga kababayan nating Aeta. Bakit nga ba hindi nila binibigyang pansin ang mga yun? Siguro dahil kaunti sa kanila ang marunong magsulat at magbasa, kaya kaunti lang din sa kanila ang marunong bumoto. Sayang nga naman kung tutulungan pa nila ang mga tribo na taga bundok at gubat. Hindi rin naman sila iboboto ng mga yun.
        Isa lang yun sa mga signos na malapit na nga ang eleksyon. Mayroon pa diyan, tinatambay ang mga muka at pangalan nila sa telebisyon. Sa mga commercials, yung iba nga TV guestings pa eh. Ginagawa nila yun kahit hindi pa oras ng campaign period. May iba naman na nasa tarpaulin ang muka. Babati lang ng maligayang pasko eh mas malaki pa ang muka at pangalan nila kesa sa font size ng “Maligayang Pasko.” Lahat na ata ng okasyon ginawan nila ng tarpaulin. January, Manigong bagong taon. February, Happy valentines. March – April, Congrats Graduates. May, Happy Sagala. June, Lovely Pasukan. July, Mag-ingat sa bagyo. August, Masayang August. September-December, Maligayang Pasko. Kulang na lang eh puriin ang masarap na luto ng paborito kong karinderya. Mga paraan para lang matandaan ng mga tao yung pangalan nila. Sa dami ng pwedeng pansinin sa mga pampam na yun, di ko na maisip kung anong ilalagay ko dito sa page na to.
        Bababa na pala ako.
        “Para po!”



(This is from the story I created in wattpad. Hope you can read it. http://www.wattpad.com/story/3340034-uy-joke-lang)

Saturday, July 6, 2013

Si Ms. Philippines, At Ang Mga Dayuhan

     Puyat ako kagabi, kaya dalawang nilalang ang nilalabanan ko ngayon, si Pareng Antok, at ang mistulang baboy na kinakatay sa harapan ko sa sobrang tinis ng boses kung magsalita. Di lang ako ang inaantok. Pati rin pala ang mga kaklase ko. Pero bakit ‘tong dalawang epal sa likuran ko eh ganado pa rin magkwentuhan? Nadismaya sila dahil hindi raw nila napanood ang Miss Universe. At mas nadismaya raw sila dahil hindi nanalo si Ms. Philippines, samantalang siya daw ang may pinakamagandang sagot. Luto daw ang nangyare.

     Sa lahat ng pageant, hindi mawawala ang mga taong magsasabi ng “Luto!” Dalawa na lang yan at the end of the event. Isang nanalo, at isang dinaya. Para sa kanila, dinaya ang mga bet nila kaya hindi nakasungkit ng award. Naalala ko tuloy nung nagkaroon ng pageant dito sa aming campus. Labanan ng bawat colleges. Syempre lahat ng colleges eh mayroong babae’t lalaking representatives. Automatically, kung san kang college kabilang, eh yun ang susuportahan mo. (Bakit mo nga naman susuportahan ang ibang college, eh baka pag chineer mo sila, eh ingudngod ng mga kadepartment mo ang muka mo sa sahig ng building na pinapasukan mo.) Suking taga-nood ng pageant na yun ang dalawang epal na classmates sa likuran ko. Todo suporta sila sa representatives ng college namin. May dala silang banner, complete with bond paper, art paper, manila paper, sand paper, at rosaryo. During the announcement of winners, di nawala sa kanila ang kaba. Tinawag na rin ata nila lahat ng engkanto’t lamang lupa para lang papanalunin ang representatives namin. Di ko na tinapos ang pageant (Dahil hanggang swimwear competition lang ako eh. Hihi). Kinabukasan ko na lang nabalitaan kung sinong nanalo. Pero hindi ko pa man tinatanong sa mga impakta kong kaklase kung sinong nanalo…

     “Ano ba yan?! Luto! Ang panget naman nung nanalo! Pwede palang panget, sana isinali ko na lang tong si best friend.” yan ang bungad sa akin ng isa sa mga impakta.
                
     “Grabe ka naman best friend, pag panget talagang ako ang perfect example?! Tingin tingin din sa salamin pag may time!” sagot naman ng isang impaktita.
                
     Sa panahon ngayon, parang kinakahon na talaga ng mga tao ang depinisyon ng “kagandahan”. Dito sa Pilipinas, parang walang karapatang manalo o sumali sa mga pageant ang mga pango, maitim, o maliit. Bukod pa dun, panlabas na kaanyuan lang ang tinitignan ng mga tao at hurado. Sige, isama na rin natin ang talino. Pag tinawag bang Beauty Queen ang isang tao, dun lang tayo sa hitsura niya mag-babase kung ano ang tunay na kahulugan ng maganda? Kung maitim ang maging beauty queen, anong gagawin ng mga Pilipino? Tatawa. Dahil para sa kanila, hindi maganda ang mga negra. Isa rin yan sa mga dahilan kung bakit madaming Pilipino ang bumibili ng mga produktong pampaputi. Nababawasan ata self-confidence nila pag maitim sila.
                
     Pero diba hindi naman talaga maputi ang mga Pilipino? Isa pa sigurong dahilan ang colonial mentality. Masyado nating tinitingala ang mga banyaga, kaya kung anong hitsura nila, gusto natin eh ganoon din ang hitsura natin. Ganoon din sa pagbili ng mga produkto. Dahil para sa atin, sila ang maganda, sila ang matalino, sila ang magaling, sila ang superior. Dumadating pa sa punto ng pagkukumpara. Pag gawang Pinoy, hindi kagaya ng kalidad na gawa ng mga dayuhan.

     Sa pagpasok ko sa loob ng classroom eh puro pagkainsecure ang nadinig ko. Kailan kaya matututong bumilib sa sarili tong mga hinayupak kong kaklase? Bahala nga sila. Ako eh makikinig na lang muna kay Propesor.

Salamat po 'nay at 'tay.

     "Mas masarap mag-aral." Yan ang naiisip ko ngayon. Sa hirap kasi mag-hanap ng trabaho, mas pipiliin mo talaga mag-aral. Kapag nag-aaral may allowance ka, may maluto na ipapabaon sa'yo ang magulang mo (isama mo pa yung pagiging mapili mo sa ulam! Buti nga't may kinakain ka, at hindi mo naman pera yung pinambili sa ulam kaya wag ka magreklamo!), may kickback ka sa tuition fee na hinihingi mo sa nanay mo, hihingi ka ng 500 para sa project na worth Php100 lang, may pang dota ka, may pang-inom ka, may pang marijuana ka, at may pang date ka sa syota mo. 

     Ilan lang yan sa mga tulong na binibigay ng mga magulang natin.

     Bukod pa dun eh ang araw-araw mong sustento dahil masayang masaya ang magulang mo tuwing nakikita kang nag-aaral. Tuwing nakikita ka na pumapasok sa eskwelahan at hindi sa mga computer shop. Masaya sila na ginagastos mo ang allowance mo para sa pagkain, hindi ka nagpapalipas ng gutom sa paglalaro ng dota. Masaya sila tuwing nakikitang uma-attend ka sa group meeting at hindi sobra ang hinihingi mong pera para sa project niyo. Masaya sila kapag nalalaman nila na walang bisyo ang anak nila, na hindi marunong mag-inom ang mga anak nila. Masaya sila na maraming natututunan ang anak nila at hindi pumapasok sa isip ang mangopya. At pinakanatutuwa sila eh dahil alam nilang hindi marunong sumagot ng pabalang ang mga anak nila. Hinding hindi! Proud sila sa anak nilang hindi marunong magsinungaling.

     Ganyan tayong mga anak e. Marunong tayong tumanaw ng utang na loob. Utang na loob? Matatawag bang utang na loob yung ginagawa nila sa atin? Di ba responsibilidad ng mga magulang ang pag-aralin tayo? Ang sustentuhan tayo. Obligasyon nila na bigyan tayo ng magandang buhay sa abot ng kanilang makakaya. Kung ganun nga, bakit natin dapat bayaran yung mga ginawa nila? Kung itinapon nila tayo mula nung lumabas tayo sa matres nila, eh di wala na tayong utang na loob? Pero hindi ganun ang iisipin ng ibang tao. Ang iisipin ng iba eh hindi ginawa nung magulang ang responsibilidad niya. Pero bilang mga anak, responsibilidad naman nating alagaan ang mga magulang natin 'pag nahihirapan na sila. Tayo na ang dapat magtrabaho kapag matatanda na sila. At ikaw bilang magulang, 'wag ka magrereklamo kung puro ang gastos ng anak mo sa mga kailangan niya. Mag-aanak anak ka diyan, tapos puro ka reklamo!

     Kung puro reklamo ka bilang magulang, mabuti pang 'wag ka na lang mag-anak. Noong una ayoko sa RH Bill (which is RH Law na ngayon.) pero sa dami kong nababasa, at sa dami ng opinyon na nadidinig ko, sumang-ayon na ko sa RH Bill na yan. Hindi ko sinasabing hindi ako Pro-life. Mga puno nga ayokong namamatay, tao pa kaya. Maraming tao ang sinasabi na Pro-life sila kaya ayos lang sa kanila na manganak ng sandamukal ang isang babae. But being pro-birth doesn't actually mean being pro-life. Madaling i-anak ang isang bata, pero mahirap siyang buhayin. Hindi ko rin naman sinasabi na 'wag tayong gumawa ng anak, ang punto ko lang eh limitahan ang pag-aanak, yung kaya mo lang buhayin. Alam mo ng wala kang trabaho tapos walang humpay ka mag-gawa ng bata. Buti pa si Pepeng Agimat (Ramon Revilla Sr.) kayang buhayin ang kulang-kulang walompung mga anak. Dahil sya ay si Pepeng Mayaman. Buti na lang hindi sya ang nagluwal sa kanyang mga anak, kung hindi e tatawagin ko syang Pepeng Luwal ng Luwal.

     Ngayon, kahit pa responsibilidad nila ang i-bigay ang nararapat sa atin, matuto naman tayo magpasalamat. Lamon ka lang ng lamon diyan, di ka man lang mag-thank you. Puro ka na nga kalokohan nung nag-aaral, lagi mo pa sila sinasagot ng pabalang. Sulitin na natin ang pangungupit para sa paghahanap ng trabaho. Dahil kapag may trabaho na tayo, tayo na ang uutangan ng mga magulang natin. Darating ang araw na magiging magulang din tayo, at malalaman natin kung gano kahirap bumuhay ng mga walang kabuhay-buhay na anak.

     Pero kung makapal talaga mukha mo. Bahala ka na dyan.