Saturday, July 6, 2013

Salamat po 'nay at 'tay.

     "Mas masarap mag-aral." Yan ang naiisip ko ngayon. Sa hirap kasi mag-hanap ng trabaho, mas pipiliin mo talaga mag-aral. Kapag nag-aaral may allowance ka, may maluto na ipapabaon sa'yo ang magulang mo (isama mo pa yung pagiging mapili mo sa ulam! Buti nga't may kinakain ka, at hindi mo naman pera yung pinambili sa ulam kaya wag ka magreklamo!), may kickback ka sa tuition fee na hinihingi mo sa nanay mo, hihingi ka ng 500 para sa project na worth Php100 lang, may pang dota ka, may pang-inom ka, may pang marijuana ka, at may pang date ka sa syota mo. 

     Ilan lang yan sa mga tulong na binibigay ng mga magulang natin.

     Bukod pa dun eh ang araw-araw mong sustento dahil masayang masaya ang magulang mo tuwing nakikita kang nag-aaral. Tuwing nakikita ka na pumapasok sa eskwelahan at hindi sa mga computer shop. Masaya sila na ginagastos mo ang allowance mo para sa pagkain, hindi ka nagpapalipas ng gutom sa paglalaro ng dota. Masaya sila tuwing nakikitang uma-attend ka sa group meeting at hindi sobra ang hinihingi mong pera para sa project niyo. Masaya sila kapag nalalaman nila na walang bisyo ang anak nila, na hindi marunong mag-inom ang mga anak nila. Masaya sila na maraming natututunan ang anak nila at hindi pumapasok sa isip ang mangopya. At pinakanatutuwa sila eh dahil alam nilang hindi marunong sumagot ng pabalang ang mga anak nila. Hinding hindi! Proud sila sa anak nilang hindi marunong magsinungaling.

     Ganyan tayong mga anak e. Marunong tayong tumanaw ng utang na loob. Utang na loob? Matatawag bang utang na loob yung ginagawa nila sa atin? Di ba responsibilidad ng mga magulang ang pag-aralin tayo? Ang sustentuhan tayo. Obligasyon nila na bigyan tayo ng magandang buhay sa abot ng kanilang makakaya. Kung ganun nga, bakit natin dapat bayaran yung mga ginawa nila? Kung itinapon nila tayo mula nung lumabas tayo sa matres nila, eh di wala na tayong utang na loob? Pero hindi ganun ang iisipin ng ibang tao. Ang iisipin ng iba eh hindi ginawa nung magulang ang responsibilidad niya. Pero bilang mga anak, responsibilidad naman nating alagaan ang mga magulang natin 'pag nahihirapan na sila. Tayo na ang dapat magtrabaho kapag matatanda na sila. At ikaw bilang magulang, 'wag ka magrereklamo kung puro ang gastos ng anak mo sa mga kailangan niya. Mag-aanak anak ka diyan, tapos puro ka reklamo!

     Kung puro reklamo ka bilang magulang, mabuti pang 'wag ka na lang mag-anak. Noong una ayoko sa RH Bill (which is RH Law na ngayon.) pero sa dami kong nababasa, at sa dami ng opinyon na nadidinig ko, sumang-ayon na ko sa RH Bill na yan. Hindi ko sinasabing hindi ako Pro-life. Mga puno nga ayokong namamatay, tao pa kaya. Maraming tao ang sinasabi na Pro-life sila kaya ayos lang sa kanila na manganak ng sandamukal ang isang babae. But being pro-birth doesn't actually mean being pro-life. Madaling i-anak ang isang bata, pero mahirap siyang buhayin. Hindi ko rin naman sinasabi na 'wag tayong gumawa ng anak, ang punto ko lang eh limitahan ang pag-aanak, yung kaya mo lang buhayin. Alam mo ng wala kang trabaho tapos walang humpay ka mag-gawa ng bata. Buti pa si Pepeng Agimat (Ramon Revilla Sr.) kayang buhayin ang kulang-kulang walompung mga anak. Dahil sya ay si Pepeng Mayaman. Buti na lang hindi sya ang nagluwal sa kanyang mga anak, kung hindi e tatawagin ko syang Pepeng Luwal ng Luwal.

     Ngayon, kahit pa responsibilidad nila ang i-bigay ang nararapat sa atin, matuto naman tayo magpasalamat. Lamon ka lang ng lamon diyan, di ka man lang mag-thank you. Puro ka na nga kalokohan nung nag-aaral, lagi mo pa sila sinasagot ng pabalang. Sulitin na natin ang pangungupit para sa paghahanap ng trabaho. Dahil kapag may trabaho na tayo, tayo na ang uutangan ng mga magulang natin. Darating ang araw na magiging magulang din tayo, at malalaman natin kung gano kahirap bumuhay ng mga walang kabuhay-buhay na anak.

     Pero kung makapal talaga mukha mo. Bahala ka na dyan.

3 comments:

  1. aa! antwa q kei pepeng agimat! adik ka! whaha infairview napatawa aq! at tanggap ko ang punto mu s rh, kea lang iba an. punto ko dun! whaha well gnun tlga.walang basagan ng trip! haha relate much ako dun s una! ngaun ko dn narealize mas masarap maging estudyante! haha nakakamiss ang petiks! hahaha un kada june bago ang gamit! hmm,mas nagiging daring na din ang pagsusulat mu ha?mas prangka na! haha d q pa nbabasa un isa. aus ang topic mu! kc d naman tlga utang na loob un e,un lang ang itinatawag ntin ,pero ang totoo gusto lng ntn ibalik un mga naibgay s atin,share ur blessings ika nga,para lng yan pag nakain ka,d masaya ~kpg mas mag isa,kpg madmi kau naghahati hati masaya(pero tyak d pde na d ka magreklamo na d patas naging hatian!)haha kea i therefore conclude pde na din!whaha choz! haha

    ReplyDelete
  2. Proud of you! Didn't expect na sobrang lalim nung mga subject of interest mo. :)) Sanay ako sa puro kalokohan lang eh, tapos pag naging seryoso ka, GRABE! Two thumbs up :D Tuloy mo lang yan ralph. You're so talented! Although, medyo anti-RH bill pa din ako. Hihihi :> Goodluck sa pagiging writer!!!

    ReplyDelete