Sunday, July 7, 2013

Signos

     Andaming sasakyan. Ang kapal ng usok at ng alikabok. Wag sana magtraffic at ayoko ma-stuck up dito sa lugar na to. Pinalitan na ata ng mga usok ang oxygen na nandito. Ang hirap huminga! Habang tumatagal eh nababawasan na rin ang mga puno at halaman na nakatanim dito. Yung puno kahapon, convenience store na ngayon. Yung halaman kahapon, food chain na ngayon. Sa pagtagal siguro ng panahon, lumot na lang ang source ng oxygen dito.
      Waaaa! Traffic! Gano katagal na naman ako mahihinto dito. Bakit na naman traffic?!
         “Inaayos yung daan.”
         Sabi ng driver. Ha?! Inaayos? Hindi naman sira yun ah. Ah teka. Malapit na nga pala ang eleksyon, kaya nagpapapansin na naman ang mga tagapaglingkod ng bayan. Bakit kaya yung ayos na daan ang inaayos pa? Para kitang kita ng mga tao na may ginawa sila? Eh kung yung mga simento na ginamit nila eh pinanggagawa na lang nila ng classrooms? Madaming paaralan sa mga probinsya ang kulang na kulang sa classrooms. Halimbawa na lang eh ang mga kababayan nating Aeta. Bakit nga ba hindi nila binibigyang pansin ang mga yun? Siguro dahil kaunti sa kanila ang marunong magsulat at magbasa, kaya kaunti lang din sa kanila ang marunong bumoto. Sayang nga naman kung tutulungan pa nila ang mga tribo na taga bundok at gubat. Hindi rin naman sila iboboto ng mga yun.
        Isa lang yun sa mga signos na malapit na nga ang eleksyon. Mayroon pa diyan, tinatambay ang mga muka at pangalan nila sa telebisyon. Sa mga commercials, yung iba nga TV guestings pa eh. Ginagawa nila yun kahit hindi pa oras ng campaign period. May iba naman na nasa tarpaulin ang muka. Babati lang ng maligayang pasko eh mas malaki pa ang muka at pangalan nila kesa sa font size ng “Maligayang Pasko.” Lahat na ata ng okasyon ginawan nila ng tarpaulin. January, Manigong bagong taon. February, Happy valentines. March – April, Congrats Graduates. May, Happy Sagala. June, Lovely Pasukan. July, Mag-ingat sa bagyo. August, Masayang August. September-December, Maligayang Pasko. Kulang na lang eh puriin ang masarap na luto ng paborito kong karinderya. Mga paraan para lang matandaan ng mga tao yung pangalan nila. Sa dami ng pwedeng pansinin sa mga pampam na yun, di ko na maisip kung anong ilalagay ko dito sa page na to.
        Bababa na pala ako.
        “Para po!”



(This is from the story I created in wattpad. Hope you can read it. http://www.wattpad.com/story/3340034-uy-joke-lang)

1 comment:

  1. Agree!!! agree 2x!! hahahaha ih kung un ginagastos nila sa mga tarpau ih iniipon nila at nilalaan sa mas may pakinabang na proyekto eh d mas maayos d na kelangan ipaglandakan ang kanilang mga mukha pra makilala sila dahil mismong mga tao na ang magkakalat kung paano sila naging epektibong mga namumuno.Dahil iba pa rin ang kapangyarihan ng "BIBIG", minsan mas malakas pa ang dating kapag ang mga magagandang salita ay nanggagaling mismo sa bibig ng iba hindi sa KANYA, at kung madami ang nagsasabi ng "MADAMI NA SYA NAGAGAWA AYAW LANG NIYA IPAGLANDAKAN SA IBA". yung hayaan mu na iba ang bumuhat ng bangko para sayo dahil kapag gnun tyak kung mhulog k man may sasalo sayo.

    -LYNDEBLUE :))

    ReplyDelete