Puyat ako kagabi, kaya dalawang nilalang ang nilalabanan ko
ngayon, si Pareng Antok, at ang mistulang baboy na kinakatay sa harapan ko sa
sobrang tinis ng boses kung magsalita. Di lang ako ang inaantok. Pati rin pala
ang mga kaklase ko. Pero bakit ‘tong dalawang epal sa likuran ko eh ganado pa
rin magkwentuhan? Nadismaya sila dahil hindi raw nila napanood ang Miss
Universe. At mas nadismaya raw sila dahil hindi nanalo si Ms. Philippines,
samantalang siya daw ang may pinakamagandang sagot. Luto daw ang nangyare.
Sa
lahat ng pageant, hindi mawawala ang mga taong magsasabi ng “Luto!” Dalawa na
lang yan at the end of the event. Isang nanalo, at isang dinaya. Para sa
kanila, dinaya ang mga bet nila kaya hindi nakasungkit ng award. Naalala ko
tuloy nung nagkaroon ng pageant dito sa aming campus. Labanan ng bawat colleges.
Syempre lahat ng colleges eh mayroong babae’t lalaking representatives.
Automatically, kung san kang college kabilang, eh yun ang susuportahan mo.
(Bakit mo nga naman susuportahan ang ibang college, eh baka pag chineer mo
sila, eh ingudngod ng mga kadepartment mo ang muka mo sa sahig ng building na
pinapasukan mo.) Suking taga-nood ng pageant na yun ang dalawang epal na
classmates sa likuran ko. Todo suporta sila sa representatives ng college
namin. May dala silang banner, complete with bond paper, art paper, manila
paper, sand paper, at rosaryo. During the announcement of winners, di nawala sa
kanila ang kaba. Tinawag na rin ata nila lahat ng engkanto’t lamang lupa para
lang papanalunin ang representatives namin. Di ko na tinapos ang pageant (Dahil
hanggang swimwear competition lang ako eh. Hihi). Kinabukasan ko na lang
nabalitaan kung sinong nanalo. Pero hindi ko pa man tinatanong sa mga impakta
kong kaklase kung sinong nanalo…
“Ano ba yan?! Luto! Ang panget naman nung nanalo! Pwede palang panget, sana isinali ko na lang tong si best friend.” yan ang bungad sa akin ng isa sa mga impakta.
“Grabe
ka naman best friend, pag panget talagang ako ang perfect example?! Tingin
tingin din sa salamin pag may time!” sagot naman ng isang impaktita.
Sa
panahon ngayon, parang kinakahon na talaga ng mga tao ang depinisyon ng
“kagandahan”. Dito sa Pilipinas, parang walang karapatang manalo o sumali sa
mga pageant ang mga pango, maitim, o maliit. Bukod pa dun, panlabas na kaanyuan
lang ang tinitignan ng mga tao at hurado. Sige, isama na rin natin ang talino.
Pag tinawag bang Beauty Queen ang isang tao, dun lang tayo sa hitsura niya
mag-babase kung ano ang tunay na kahulugan ng maganda? Kung maitim ang maging
beauty queen, anong gagawin ng mga Pilipino? Tatawa. Dahil para sa kanila,
hindi maganda ang mga negra. Isa rin yan sa mga dahilan kung bakit madaming
Pilipino ang bumibili ng mga produktong pampaputi. Nababawasan ata
self-confidence nila pag maitim sila.
Pero
diba hindi naman talaga maputi ang mga Pilipino? Isa pa sigurong dahilan ang
colonial mentality. Masyado nating tinitingala ang mga banyaga, kaya kung anong
hitsura nila, gusto natin eh ganoon din ang hitsura natin. Ganoon din sa
pagbili ng mga produkto. Dahil para sa atin, sila ang maganda, sila ang
matalino, sila ang magaling, sila ang superior. Dumadating pa sa punto ng
pagkukumpara. Pag gawang Pinoy, hindi kagaya ng kalidad na gawa ng mga dayuhan.
Sa pagpasok ko sa loob ng classroom eh puro pagkainsecure ang nadinig ko. Kailan kaya matututong bumilib sa sarili tong mga hinayupak kong kaklase? Bahala nga sila. Ako eh makikinig na lang muna kay Propesor.
No comments:
Post a Comment